3.26.2017

OFW Pag ibig Salary Loan While Abroad -- Okay Ba Ito?


Yes, an OFW can apply for a Pag ibig Salary Loan 


Pag-ibig calls this loan Multi-Purpose Loan or Short-Term Loan.

Andito yong mga list of requirements and other tips:

 Pag-ibig Salary Loan Requirements and Information

Pero sandali lang, baka puedeng mag-isip-isip muna kung worth ba na mag-file ng Pag-ibig Salary Loan application form while you are abroad?

Oo nga, kelangan mo ng additional money, pero tingnan mo muna ang mga ito:

1.  You need to submit a notarized Special Power of Attorney (SPA).
      Magkano ang notarized SPA sa abroad?
      Magkano ang pagpapadala nito?

2.  Kelangan mo ng proof of income.

3.  Kelangang i-present mo yong actual atm card na pagdedepositohan ng loan proceeds.


4.  Your representative needs to present your actual valid IDs.  Mapapadala mo ba ang mga actual IDs mo at actual atm card mo? Paano kung mawala sa mail?  Kung magpadala ka naman through a courier, expensive naman.

5.   Kung through tseke ire-release ang loan proceeds mo, meron ka bang active savings or checking account para madeposit ang tseke mo?  Hindi puedeng i-encash ng representative mo ang tseke.

6.  Libre lang ba yong representative mo?  Baka hihingi pa ng pang-Jollibee at pamasahe kasi alam niya nasa abroad ka. Mga 2 to 3 times siya siguro pupunta sa Pag-ibig.

7.  Worth naman ba yong amount ng loan proceeds sa mga gastos mo to apply for the Pag-ibig salary loan?  Usually kasi 200 pesos a month lang ang contributions sa Pag-ibig.  Ito-total lahat yan ng Pag-ibig plus yong mga dividends earned, at diyan ibe-base ng Pag-ibig kung magkano ang maipapahiram sa iyo.  Up to 80% lang ng total savings mo.

       If you save 200 pesos a month for 3 years,  7,200 lang ang total. Add mo yong around 600 na dividends, so you have 7,800 pesos.

       Ang 80% ng 7,800 pesos ay 6,240 pesos.

       Magkano yong nagastos mo to file your application?

       Baka merong ibang paraan.    
Share:

1 comment:

  1. Hello po, this is just to test the commenting section. Thanks

    ReplyDelete

Copyright © PAG-IBIG Philippines | Powered by Blogger Design by ronangelo | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com